Tuesday, 27 March 2012

Entry to Damuhan.com Contest

PANTASYA

May panitikan ang pagmamahal sa maligno.
Kung saan nailalarawan ang kaibuturan ng puso
Na walang sino mang nagtangkang gawin.

Mapagaaralan ng kahit-sino -- galunggong man o kuwago
Ngunit wala sa silid-aklatan ang totoo
at tunay na paraan ng pagsuyo.

Nasa damuhan ng alaala natatago
ang lahat ng tula, prosa, bugtong at liriko
mga sundang na pampaamo ng maligno.

May tapang na kailangan sa ganitong pag-ibig
Na nakukubli sa likod ng mga pangungusap,
parang halik ng kulisap sa isang kuliglig.

Parang yakap ng amihan sa punong akasya,
May himig ang hanging di mauunawaan ng ilan
At ang lambing na hindi kailanman mababayaran.

Hindi pagkabayani ang umibig sa maligno
walang kagawaran ang gagawad ng medalya.
walang papalakpak, walang papansin, wala.

At may mabubuong hinuha sa ilusyong ito
Parang sarangolang lumilipad sa gitna
ng bagyo, matapang ngunit may hangganan.

Mahihimlay kang mag-isa sa damuhan.

--------

Lahok para sa "Bagsik ng Panitik" contest ng Damuhan

14 comments:

  1. Hello sir! Pakipost po sa comment box mismo ng Blogger. Nasa ibaba po after ng fb comments. Thanks

    ReplyDelete
  2. bravo!gudluck po!

    ReplyDelete
  3. Lupet nito! congrats ang galing mo!

    ReplyDelete
  4. pak na pak... hahaha

    Ayos to ..

    Gudlak ^^

    ReplyDelete
  5. Salamat sa mga komento. Salamat nagustuhan ninyo.

    ReplyDelete
  6. Tula. Oo tula ito. Bahala na kung ano ang interpretasyon ng bababasa. 'Yon ang ganda ng tula.

    :)

    ReplyDelete
  7. J. Kulisap naguluhan ako sa comment mo. hehehe

    ReplyDelete
  8. Nagbasa. Humusga. Isang tulang hinuha ko'y ilan lamang ang makakaunawa sa malignong sukbit ng akda.

    ReplyDelete
  9. cograts sa mga nanalo! :) salamat sa pagkakataong makasali.

    ReplyDelete